Sunday, August 03, 2008

BLACKLIGHTING ::: Samahan Mo 'Ko Lagi, Ha?

Lagarista itong si Screwtape. Di pa nga humuhupa yung kadaraan lang, eto't meron na namang bago. Alam nya kase malayo ako sa mga anchor ko ngayon eh, pisikal at emosyonal, kaya tinitira nya ko kung s'an nya alam mahina ako. Tunay ngang parte na ng pamumuhay dito ang salakayin ng elementong di pangkaraniwan kumbaga. Asintado ang mga tira nila, mahirap labanan...pero kailangan.

Kaya ko ba? Kaya nya. Alam ko ba? Alam nya

Ganun nga ang kalakaran sa pang-araw-araw at hinahatak akong sumuko dahil walang pagbabagong maganda e. Wala naman siguro akong nakaligtaan sa paghahanda para dito at buo din naman ang pasya kong sumugod. Kaso talagang hindi madali at patibayan ng loob ito. Madalas sabihin walang personalan pero wala namang ibang aspeto bukod doon e. Ewan ko, iba talagang mundo ito. Pero pasasaan pa't magbubunga rin ito ng maganda. Hindi ko alam kung dito mismo o sa ibang landas. (Mukhang sa iba kase ganun na talaga ang dinatnan ko e.) Pano ko nalaman? Araw-araw ko ba namang hilingin sa kanya lahat ng ito eh palagay ko naman gets na nya. Pero higit pa doon, mahal nya ko e. Maraming salamat sa pagpasan mo sa 'kin sa bawat sandali. Alam ko lilipas din ito pero habang nandyan pa, sandal lang ako sa 'yo. Wag mo ko hayaan maniwala sa mali.

OA mo naman, Tinay! Di naman. Kaya lang itong paraan ko para maproseso ang mga bagay e.

Hapdi na ng mata ko. Kulang kase ko sa tulog.

No comments:

Post a Comment